dzme1530.ph

AFP, pagpapaliwanagin sa isyu ng mga bagong EDCA sites

Pagpapaliwanagin ni Senador Chiz Escudero ang militar kaugnay sa posibilidad ng paglalagay ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa bansa.

Ayon kay Escudero, pagdating sa budget hearings, aalamin niya mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga bagong kasunduan na may kinalaman sa EDCA upang maging bukas din ito sa kaalaman ng publiko.

Binigyang-diin ni Escudero na sa ngalan ng transparency ay dapat matalakay nila sa isang public hearing ang mga plano at direksyon ng administrasyon hinggil sa mga pinaplanong bagong EDCA sites.

Iginiit naman ng senador na hangga’t hindi niya nalalaman ang buong detalye ng mga pinaplanong EDCA sites ay hindi muna siya magbibigay ng anumang panghuhusga sa usapin. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author