Walang isinasagawang imbestigasyon ang Armed Forces of the Philippines para kay Western Command Chief, Vice Admiral Alberto Carlos kaugnay ng umano’y recording ng “New Model” agreement sa China.
Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na wala silang ginagawang hakbang dahil nirerespeto nila ang desisyon ni Carlos na mag-apply ng Leave of Absence.
Una nang nabanggit sa reports ang tungkol sa nag-leak na recording ng umano’y pag-uusap sa pagitan ni Carlos at isang Chinese Embassy diplomat.
Tinalakay daw ng dalawa ang kasunduan sa “New Model” sa mga magiging hakbang sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.