dzme1530.ph

AFP, mas paiigtingin ang ipinatutupad na programa kaugnay sa pagtitipid ng tubig

Mas mahigpit na ipatutupad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang implementasyon ng  programa nito kaugnay sa pagtitipid ng tubig.

Ito ang inihayag ni Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, kaugnay sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, na magtipid ng tubig ang pamahalaan.

Aniya, matagal nang may programa ang AFP kaugnay sa pagtitipid ng tubig at kuryente ngunit bilang pakikiisa sa panawagan ng Pangulo na magtipid ng tubig, mas istrikto nilang ipatutupad ang nasabing programa sa mga kampo.

Nabatid na una nang nagpahayag ng pakikiisa ang Philippine National Police (PNP) sa panawagang ito sa gitna ng banta ng kakulangan ng suplay ng tubig dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam dulot ng El Niño phenomenon. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author