dzme1530.ph

AFP, magbibigay ng ayuda sa mga mangingisda sa Zambales na apektado ng Balikatan Exercises

Nakikipag-ugnayan na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lokal na pamahalaan ng Zambales para sa ibibigay na ayuda sa mga mangingisda na apektado ng no-sail zone policy kaugnay ng isinasagawang balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar na pinag-aaralan nila ang gagawing pagtugon sa ilang isyu na maaapektuhan ng live-fire exercise, lalo na ang mga mangingisda sa Zambales.

Aniya, bagaman ilang oras lamang ang itatagal ng naturang exercise sa April 26 ay makaaapekto pa rin ito sa kabuhayan ng mga mangingisda.

Nasa 12,200 American, 5,400 Filipino at mahigit 100 Australian soldiers ang lumalahok sa dalawang linggong balikatan exercises, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng live-fire drill sa South China Sea. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author