Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang miyembro ng Philippine Navy ang nagtamo ng severe injury sa banggaan ng isang Chinese ship at isang Filipino vessel na nagsasagawa ng Rotation at Resupply Mission sa Ayungin Shoal.
Inihayag ni AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, na ligtas na nailikas ang nasugatang sundalo at agad nalapatan ng lunas.
Binigyang diin ni Trinidad na hindi katanggap-tanggap ang patuloy na agresibong mga hakbang at unprofessional conduct ng China Coast Guard sa lehitimong humanitarian mission.
Inilarawan din ng AFP Official ang insidente bilang “intentional high-speed ramming” ng CCG sa ibang barko.
Idinagdag ni Trinidad na dapat iwasan ng china na palalain pa ang tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon sa Source, pitong sundalo ang nasugatan sa insidente, kabilang ang isang naputulan ng daliri.