Naka-standby na ang air assets ng Armed Forces of the Philippines para sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na apektado ng super typhoon “Leon”, partikular sa Northern Luzon.
Sa special report briefing ng Presidential Communications Office ngayong umaga, inihayag ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na kaagad ide-deploy ang air assets sa oras na medyo gumanda ang panahon.
Sinabi ni Padilla na ang aircrafts ay pupunuin ng relief goods at mga suplay.
Samantala, magiging malaking tulong din umano sa relief operations ang mga ipinadalang eroplano at choppers ng Indonesia, Brunei, Malaysia, at Singapore.
Sa 11-am bulletin ng pagasa, humina na ang bagyong “Leon” sa typhoon category, ngunit nakataas pa rin ang signal no. 3 sa Batanes. —ulat mula kay Harley Valbuena