Iniimbestigahan ng AFP ang reports na nire-recruit umano ang kanilang active at retired members ng China-based firms na nagpapanggap na mula sa Western countries.
Sinabi ni AFP Spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla, na nakikipag-ugnayan na sila sa mga ahensya ng pamahalaan para imbestigahan ang naturang isyu na ikinu-konsiderang “national security concern.”
Una nang nagbabala ang Department of Information and Communications Technology na mayroong mga kumpanya na nagpapanggap na naka-base sa US o Europe at sinusubukang mag-recruit ng retired at active duty na military personnel para sa part-time jobs.
Inihayag ni Padilla na tinanggal na ang sites na ginamit para sa online recruitment, subalit nakapag-secure ang militar ng screenshots ng mga komento na nagpapahayag ng interest sa pag-a-apply.
sa inisyal na pagsusuri na isinagawa sa mga online account, sinabi ni Padilla na wala namang AFP pesonnel na nagsiwalat ng anumang impormasyon tungkol sa operasyon ng militar.