Patuloy na palalakasin ng Administrasyong Marcos ang kakayanan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard sa harap ng sigalot sa South China Sea.
Sa kanyang keynote address sa Lowy Institute Think Tank sa Melbourne Australia, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang Pilipinas ay nasa frontline ng international efforts para ipagtanggol ang rules-based international order.
Sinabi rin ni Marcos na ang pwersa ng bansa ay dapat may kakayanang itaguyod ang peaceful exploration at paggamit ng mga Pilipino, korporasyon, at iba pang pinahihintuluntan ng gobyerno, sa natural resources sa mga lugar sa loob ng jurisdiction lalo na sa ating exclusive economic zone (EEZ), alinsunod sa International Law.
Kaugnay dito, sinabi ng Chief Executive na inu-upgrade na ang kakayanan ng PCG, habang ibinida rin nito ang pag-apruba sa “RE-HORIZON 3” updated acquisition plan sa ilalim ng modernisasyon ng AFP.
Muling tiniyak ng Pangulo na hindi niya isusuko ang kahit isang pulgada ng teritoryo at ang maritime jurisdiction ng Pilipinas.