dzme1530.ph

Afghans, nagbunyi sa pagbabalik ng internet matapos ang Taliban blackout

Loading

Ipinagdiwang ng mga Afghan ang pagbabalik ng internet at telecom services matapos ang halos 48-oras na blackout na ipinatupad ng Taliban government at umani ng malawakang pagkondena mula sa international community.

Ayon sa local reporters, nagpatuloy na muli ang komunikasyon, subalit iniulat ng internet monitor na NetBlocks na “partial restoration” pa lamang ang koneksyon sa network data.

Kinumpirma ng isang source na malapit sa pamahalaan na ibinalik ang internet sa utos mismo ng Taliban Prime Minister.

Naging malaki ang epekto ng shutdown, kabilang ang pagkaantala ng mga negosyo at flights, pati na rin ang limitadong access sa emergency services.

Kagabi, daan-daang Afghan ang lumabas sa mga kalsada ng Kabul upang ipamalita na bumalik na ang kanilang internet connection.

About The Author