dzme1530.ph

Adopt a Farmer Program, inilunsad

Pormal nang inilunsad ni Sagip PartyList Representative Rodante Marcoleta ang programa nitong “Adopt a Farmer Program.”

Ang programa, katuwang ang ilang negosyante ay direktang binibili sa mga magsasaka ang ani nilang palay sa halagang P20.00 kada kilo, mas mataas sa buying price ng National Food Authority na P19.00 pesos.

Bagaman at bahagyang mataas ang buying price, ang bigas na napo-produced ay ibinibenta lang sa halagang P35.00 pesos per kilo, mas mura ng P17.00 pesos sa mga bigasan o pamilihan.

Ayon kay Marcoleta, hangad niyang magtagumpay ang programang ito kaya inaanyayahan nito ang mga “makabayang negosyante” na mamuhunan sa simulaing ito kahit walang kita.

Natuwa ang kongresista dahil sumuporta sa simulaing ito ang Pampanga Chamber of Commerce, kaya naumpisahan agad ang programa at ang Capas, Tarlac at Bacolor, Pampanga ang unang nakinabang sa 57-kaban ng dinoradong bigas ang naibenta.

—Ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author