Naglaan ang administrasyong Marcos ng kalahating trilyong piso para sa paglaban sa climate change, sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program.
Ayon sa Department of Budget and Management, P543.45-B ang alokasyon sa climate change expenditures tagging para sa mga programa at proyekto sa climate change mitigation at adaptation.
Ito ay katumbas ng 9.4% ng kabuuang P5.768-T proposed 2024 Budget, na lagpas sa naunang commitment na 8%.
Kabilang sa mga tinukoy na climate change mitigation projects ay nasa water sufficiency, sustainable energy, climate smart industries and services, ecosystem and environmental sustainability, knowledge and capacity development, food security, human security, at cross-cutting actions.
Samantala, inihihirit din ang P1.7-B na pondo para sa Philippine Space Agency upang mapaigting ang pag-monitor sa land and marine resources at terrestrial ecosystems. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News