Hands-off ang administrasyong Marcos sa pagpapa-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy kaugnay ng mga kasong sexual at child abuse.
sa ambush interview sa Malacañang, inihayag ni National Security Adviser Eduardo Año na ang pagpapadakip kay Quiboloy ay utos ng hukuman.
Obligasyon din umano ng law enforcers na sundin ang inilalabas na warrant of arrest ng korte.
Kaugnay dito, nilinaw ni Año na walang kamay sa isyu ang administrasyon dahil ang korte ang kumikilos kaugnay dito.
Mababatid na nabigong arestuhin ng Davao City Police si Quiboloy habang sumuko naman ang dalawang kapwa niya akusado, na ngayon ay pansamantala na ring nakalaya matapos mag-piyansa.