dzme1530.ph

Administrasyong Marcos suportado ng Kongreso

Para kay House Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. ng Pampanga, ang “no-nonsense” performance ng Marcos administration ang susi kung bakit 31% ng mga Filipino ay sumusuporta sa pamahalaan.

Sa March 11 to 14 OCTA Research’s Tugon ng Masa survey, lumitaw na 31% ng sambayanang Pilipino ay suportado ang Marcos administration habang 4% lamang ang pro-opposition.

Ayon kay Gonzales ramdam na ng bawat pamilyang Pilipino ang pagsisikap ng pamahalaan para maiangat ang kalagayan ng taumbayan.

Bilang kasapi aniya ng kongreso na pinamumuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ay patuloy silang susuporta sa administrasyon Marcos sa paghahanap ng solusyon sa problema at ilapit ang serbisyo sa mamamayan.

Isang patunay ng solid support sa Pangulo ay ang mabilis na pagpapatibay sa lahat ng LEDAC priorities at mga hininging panukala sa dalawang nagdaang SONA.

Batay sa OCTA survey, 29% ay independent o walang pinapanigan, habang 15% ay hindi alam kung sino ang susuportahan.

About The Author