![]()
IGINIIT ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian ang pangangailangang pumasok na ang pamahalaan sa government to government contracts upang matiyak ang matatag at mapagkakatiwalaang suplay ng produktong petrolyo.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na sa ngayon ay hindi na kakayanin pa ng mga pribadong kumpanya ng langis na makipagnegosasyon para sa kinakailangang suplay ng langis sa gitna na rin ng patuloy na tensyon sa Middle East.
Ipinaalala ni Gatchalian na naisakatuparan na ng pamahalaan ang government to government contracts sa gitna ng kakapusan noon ng suplay ng bigas.
Kumpiyansa naman si Gatchalian na sa ngayon pa lang ay naghahanap na si Finance Acting Secretary Frederick Go ng mga bansa kung saan maaaring makipagkasundo para sa suplay ng langis.
