dzme1530.ph

ADB, suportado ang kauna-unahang gender bond sa Pilipinas

Nagbigay ang Asian Development Bank (ADB) ng technical assistance sa kauna-unahang gender bond sa Pilipinas na inisyu ng Philippines Foundation Inc.

Sinabi ng ADB na sinuporthan nito ang bond framework development at capacity building sa pamamagitan ng Asian Bond Markets Initiative (ABMI).

Ang ABMI ay inisyatibo ng mga gobyerno ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), People’s Republic of China (PRC), Japan, at Republic of Korea para ma-develop ang local currency bond markets.

Inihayag ng ADB na ang technical assistance program ay financially supported ng PRC poverty reduction and regional cooperation fund. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author