dzme1530.ph

ACTOO, hiniling na alisin na ang TOP-CRMS

Umapela ang Alliance of Concerned Truck Owners & Organizations (ACTOO) sa pamahalaan na alisin na ang container registry and monitoring system o TOP-CRMS.

Ayon sa ACTOO, pabigat lang at hindi naman kailangan ang container registry and monitoring system na ipinanukala ng Philippine Ports Authority (PPA).

Bukod sa dagdag-gastos, nakakagulo lang anila ang sistemang ito sa trucking industry.

Nabatid na noong nakaraang buwan, nagkasa ang ACTOO kasama ang Practicing Customs Brokers Association of the Philippines, Inc., at ng halos 300 truck units, ng caravan at prayer rally sa harap ng tanggapan ng PPA para sa panawagang pagbasura sa PPA Administrative Order No. 04-2021 kasabay ng pagtanggal sa TOP-CRMS. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author