dzme1530.ph

ACT, tinawag na “base-less” ang mga paratang ni VP Sara

Binigyang diin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na responsibilidad ng Department of Education (DepEd) na siguruhing walang estudyante ang maiiwan.

Ayon kay ACT Chairman Vladimer Quetua, imbes na gumawa ng base-less accusations at sisihin ang mga protesta sa bumababang bilang ng enrollees ngayong taon, dapat mas tutukan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang “education crisis” na nararanasan ng bansa sa ngayon.

Wala naman aniyang masama na kwestyunin at ipaako sa DepEd ang 2-M drop sa enrollment dahil trabaho naman nila ito.

Dagdag pa ni Quetua, dapat na mas bigyang pansin ng kagawaran ang root causes ng problema sa edukasyon na nagiging dahilan kaya marami sa mga estudyante ang hindi na nakapag-enroll, gaya ng financial problems.

Nabatid na sa pinakahuling datos ng DepEd, 26.7-M lang ang kabuuang bilang ng enrolled students para sa SY 2023-2024, mas mababa sa target na 28.8-M enrollees. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author