Pinalagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang anila ay patuloy na profiling operations ng Department of Education (DepEd) laban sa kanilang unyon at mga miyembro.
Iginiit ng ACT na labag sa “right to freedom of association, freedom of expression and the right to privacy,” ng kanilang mga miyembro ang inilabas na memorandum ng DepEd.
Itinanggi ng DepEd ang alegasyon ng ACT makaraang batikusin sila kasunod ng memo na inisyu noong June 14, na nag-aatas sa lahat ng regional directors at schools division superintendents na magsumite ng listahan ng ACT Union-Affiliated Teachers na nag-a-avail ng Automatic Payroll Deduction System (APDS) ng ahensya. —sa panulat ni Lea Soriano