dzme1530.ph

Acquittal verdict ng Sandiganbayan kina Enrile, Napoles at Reyes sa plunder case kaugnay sa pork barrel scam, ikinadismaya

Labis ang pagkadismaya ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro sa acquittal verdict ng Sandiganbayan kina former Senate President Juan Ponce Enrile, Atty. Gigi Reyes at pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.

Kaugnay ito sa plunder case na kinaharap ni Enrile at Reyes habang si Napoles ang itinuturong utak ng bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan mula sa pork barrel.

Ayon kay Castro, ang acquittal ay glaring example kung anong uri ng justice system mayroon ang bansa, na pumapabor lang sa mayayaman at maimpluwensya.

Hinaing nito, “kapag mahihirap ang nagnakaw o napagbintangan ay ikinukulong agad, pero kapag mayayaman at maimluwensya, nauuwi lang sa house o hospital arrest, at sa dakong huli ay ma-a-acquit.

Para sa mambabatas malaking dagok ito sa corruption campaign ng pamahalaan, at hindi rin magandang halimbawa sa mga kabataan.

Mahalaga ayon pa kay Castro na ipursigi ang judicial reforms sa bansa para manumbalik ang public confidence sa legal syatem. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author