Matapos ang 12-taong kaso ng Atimonan Shooting incident, napawalang sala sina Supt. Hansel Marantan at 12 iba pang pulis noong Hunyo 23, 2025.
Batay sa isinulat na desisyon ng Presiding Judge na si Teresa Patrimonio-Soria ng Manila Regional Trial Court Branch 27, na nag-acquit sa naturang opisyal, ito’y dahil sa “fulfillment of duty.”
Ang pag- acquit sa mga akusado ay nagdulot ng malaking kontrobersiya, pag-aalala sa publiko at pagkadismaya sa mga kamag-anak naman ng mga biktima.
Nabatid na ang Atimonan shooting incident, na naganap noong Enero 6, 2013, sa Atimonan, Quezon, ay isang kontrobersyal na insidente kung saan 13 katao ang namatay sa isang pinaghihinalaang “shootout” sa isang checkpoint.
Kasama sa mga nasawi ang mga pulis, sundalo, at sibilyan
Dahil sa pangyayari nagkaroon dito ng hiwalay na imbestigasyon sa pagitan ng PNP at NBI.
Ayon sa PNP, sa paunang ulat isang shootout ang naganap na kinasangkutan ng isang grupo na pinamumunuan umano ni Victor Siman, ang pinagbabaril ng mga pinagsamang pwersa ng pulisya at militar sa isang checkpoint.
Ngunit sa panig ng NBI, sa kanilang imbestigasyon, walang ebidensiya na nagpapakita na ang mga biktima ay nanlaban, dahil lumalabas na ito ay pinatay sa isang “rubout,” at hindi sa isang lehitimong shootout.
Ang mga akusasyon ay nauwi sa pagsasampa ng mga kasong multiple murder laban kay Supt. Hansel Marantan at iba pang mga opisyal ng pulisya at militar. Ilan dito ay sina:
PSUPT. RAMON BALAUAG,
PCINSP. GRANT GOLLOD,
PSINSP. JOHN PAOLO CARRACEDO,
PSINSP. TIMOTEO ORIG,
SPO3 JOSELITO DE GUZMAN,
SPO1 CARLO CATAQUIZ a.k.a.
SPO1 CLARO CATAQUIZ,
SPO1 ARTURO SARMIENTO,
SPO1 EDUARDO ORONAN,
PO2 NELSON INDAL,
PO2 AL BHAZAR JAILANI,
PO1 WRYAN SARDEA,
PO1 RODEL TALENTO a.k.a. PO1 RODEL TOLENTINO
Ngunit ang ilan sa mga akusado ay nakalaya matapos magbayad ng piyansa.