Iminungkahi ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Executive Director Alexander Ramos na dapat i-test ang Automated Counting Machines (ACMs) sa extreme environment upang masuri ang tibay nito kapag idineploy sa halalan.
Ginawa ni Ramos ang pahayag, kasunod ng ulat na 200 ACMs ang pinalitan sa araw ng eleksyon matapos pumalya.
Ipinaliwanag ng CICC official na dumadaan sa stress test ang mga makina subalit kung ginawa ito sa malamig na lugar ay iba talaga ang mangyayari kapag aktwal na itong ginamit sa mainit na polling place.
Sinegundahan naman ito ni National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) National Chairperson Lito Averia, sa pagsasabing dapat ikonsidera ang iba’t ibang environmental conditions sa paggamit ng ACMs.