Upang patunayang walang impluwensiya sa kanilang operasyon ang mga Chinese investors nito, inilatag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mga nagawa na nito upang pagandahin ang noo’y nanggigitata nang transmission grid ng gobyerno.
Mula 2009, umabot na sa P300-B ang naipundar na ng NGCP na kinabibilangan ng 3,729 kilometro ng transmission lines, 28 bagong sub-stations at 31,190 mega volt amperes ng mga transformer.
Ito ay nagpapakita na sa nakalipas na 14 na taon, pawang pagpapaganda ng kalidad sa paghahatid ng kuryente ang inatupag ng NGCP sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga makabagong pasilidad kabilang na ang mga hindi nagawa ng gobyerno noon na paghahatid ng kuryente sa mga island provinces.
Nitong April 30, nakakatawid na rin ang kuryente mula sa Mindanao patungong Visayas dahil sa P52-B interconnection project ng NGCP. —sa panulat ni Ronnie Ramos