![]()
Isiniwalat ng head ng state-owned oil company ng Abu Dhabi na “not open” o sarado pa rin ang Strait of Hormuz.
Sinabi ni Sultan Al Jaber, na nagpapatakbo sa Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC), na ang pagdaan sa makipot na katubigaan ay subject sa “conditions and political leverage” ng Iran.
Binigyang diin nito na ang Strait of Hormuz ay hindi naman itinayo, idinesenyo, at pinondohan ng anumang bansa.
Idinagdag ni Al Jaber na siya ring minister of industry and advanced technology ng United Arab Emirates, na ang energy security at global stability ay naka-depende sa muling pagbubukas ng Strait nang “buo, walang kondisyon, at walang restriksyon.”
