dzme1530.ph

Access ng publiko sa bagong gamot kontra cancer, naantala dahil sa mabagal na approval ng gobyerno — PHAP

Loading

Naaantala ang access ng mga pasyente sa bagong gamot laban sa iba’t ibang uri ng cancer dahil sa mabagal na assessment at approval ng pamahalaan, ayon sa Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP).

Ayon kay PHAP President Dr. Diana Edralin, nanatiling pinaka-karaniwang nade-diagnose na cancer sa kababaihan ang breast cancer, at mahigit kalahati nito ay nade-diagnose na sa late stage, base sa 2023 study ng APAC Women’s Cancer Coalition.

Sinabi ni Edralin na may malaking progreso sa treatment, kabilang ang targeted therapy na direktang tumutok sa tumor at hindi nakakaapekto sa malusog na cells tulad ng tradisyonal na chemotherapy.

Gayunman, “biggest challenge” pa rin umano ang mabagal na pag-apruba ng FDA at ng Health Technology Assessment ng DOST, na kinakailangan bago maisama ang gamot sa Philippine National Formulary at mabigyan ng coverage ng PhilHealth.

Giit ng PHAP, kahit available na sa ibang bansa ang mga makabagong gamot para sa breast, lung, liver cancer at lymphoma, nahuhuli pa rin ang Pilipinas dahil sa mabagal na proseso at kulang na government subsidy.