Inihayag ng National Security Council na walang dapat ikaalarma ang mga militanteng grupo sa pagsasama sa Coordinating Council of Private Educational Associations sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, hindi nito makikitil ang academic freedom dahil ito ay nakasaad sa Saligang Batas.
Sinabi ni Malaya na nais lamang ng pamahalaan na maging safe spaces o ligtas ang mga paaralan habang namamayani ang kritikal na pag-iisip.
Layunin din nilang maiiwas ang mga paaralan sa pagiging sentro ng recruitment, radicalization, violent extremism, at anumang karahasan.
Sa pag-anib ng COCOPEA sa NTF-ELCAC ay paiigtingin ang information awareness at education campaign sa mga paaralan laban sa mga teroristang organisasyon tulad ng CPP-NPA-NDF. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News