dzme1530.ph

Absolute Divorce Act, isinalang na sa plenaryo

Isinalang na sa plenaryo ang House Bill 9349 o ang “Absolute Divorce Act” na matagal nang ipinaglalaban ni Albay Cong. Edcel Lagman at Makabayan Bloc.

Sinabi ni Lagman na ang Absolute Divorce ay kailangan ng mga mag-asawa na imposible nang magka-ayos, na kadalasan babae ang biktima.

Mayorya aniya ng mga nagko-collapsed na relasyon ay sanhi ng karahasan, at infidelity o pagtataksil.

Sa pahayag naman ni Congw. Arlene Brosas, 13th Congress pa lang itinutulak na ng Gabriela Partylist ang legalisasyon ng diborsyo sa bansa.

Kinontra naman ito ni Cong. Rufus Rodriguez sa paniwalang hindi diborsyo ang solusyon sa broken families.

About The Author