dzme1530.ph

Abogadong nameke ng Court Order, pinatawan ng disbarment ng Korte Suprema

Sinimulan na ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng bagong Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) na na nilagdaan noong May 29, 2023.

Ito ay kaugnay sa parusang disbarment na iginawad ng Korte Suprema laban sa isang abogado na nanloko ng kliyente matapos na dayain ang isang utos ng hukuman.

Batay sa 11-pages per curiam decision ng Supreme Court En Banc, tinanggal na bilang abogado si Atty. Ariel Maglalang.

Nag-ugat ang parusa kay Maglalang dahil sa gawa-gawang court order sa civil case noong Agosto 2, 2006 kung saan pinalabas nito na patay na ang mister ng kanyang kliyente.

Sa imbestigasyon ng Korte, Petition for Nullity of Marriage ang pinahahain ng kliyente ni Maglalang at hindi Petition for Presumptive Death.

Pinalabas din ni Maglalang na ang petition ng kanyang kliyente ay nilitis at kinatigan ni Judge Ray Alan Drilon ng Regional Trial Court, Branch 41, Bacolod City.

Noong 2008, nalaman ni Judge Drilon at Clerk of Court Atty. Corazon Romero ang naturang forged order kaya hiningi nila ang tulong ng NBI, na nagresulta sa paghahain ng kasong administratibo laban kay Atty. Maglalang. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author