Magkahalong lungkot at bahagyang saya ang naramdaman ng Pamilya Castelvi sa San Fernando City, Pampanga.
Makalipas ng tatlong buwan ay naiuwi na rin sa wakas ang abo ni Paul Vincent Castelvi , ang isa sa apat na Pilipino na pinaslang ng grupong Hamas nang salakayin nila ang Southern Israel noong October 7.
Gayunman, ang masayang pagdiriwang ay napalitan ng kalungkutan dahil ito ang unang Pasko na hindi nila makakapiling ang kanilang anak.
Noong sabado ay iniuwi ni Jovelle na isa ring Overseas Filipino Worker (OFW) ang abo ng kanyang mister, kasama ng isang buwang gulang nilang sanggol.
Gaya ng plano ni Paul noong nabubuhay pa ito ay umuwi ang kanilang pamilya sa Pilipinas para magdiwang ng Pasko.
—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News