Nanindigan si pwersa ng Bayaning Atleta, PBA Partylist Rep. Margarita Migs Nograles para tutulan ang aniya “restrictive policies” ng mga courier companies na ayaw pabuksan ang mga ipinapadalang packages for verification ng mga recipients.
Kinalampag ni Nograles ang DTI para panghimasukan na ang isyung ito dahil lantaran na nitong nilalabag ang consumer rights at safety.
Ayon sa deputy majority leader ang LBC, J&T, Lalamove, Grab at iba pang express delivery services ay dapat inoobliga ng DTI na hayaan ang mga shipping recipients na buksan sa harap ng delivery courier ang padala upang masiguro na nasa mayos itong kondisyon.
Punto pa ni Nograles, dahil sa arbitrary restrictions, sinasadkahan na ng courier companies ang consumers right, kaya mainam na bumalangkas agad ang DTI ng guidelines para mabalanse ang karapatan ng courier at customers. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News