dzme1530.ph

Mga biktima ng sunog sa mga lungsod ng Quezon at Mandaluyong, nabigyan ng tulong

Dalawang magkahiwalay na sunog sa Quezon City at Mandaluyong ang nabigyan ng financial aid ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list.

Pinangunahan ni Tingog Cong. Jude Acidre ang pamamahagi ng relief goods sa may 331 pamilya na nasunugan noong June 14 sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong at June 15 sa Barangay Bagbag, Quezon City.

Ang financial aid na isinaayos ni Romualdez at Tingog ay sa ilalim ng DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Sa Quezon City, 206 families ang napagkalooban ng tig-10,000 pesos matapos matupok ng apoy ang kanilang tahanan, habang 125 families din ang nabigyan ng kaparehong halaga sa Mandaluyong City.

Kabuuhang P3.31-M ang naipagkaloob na tulong na idinaan kina Cong. Neptali Boyet Gonzales II ng Mandaluyong at Cong. Patrick Michael Vargas ng QC.

Sa mensahe ni Acidre, kanila lang ibinabalik ang gratitude sa mga tumulong noon sa Tacloban, Leyte nang sagasaan sila ng super typoon Yolanda.

Tiniyak nito na anumang problema o sakuna na dumating saan man panig ng bansa, nandiriyan ang Tingog Party-list ni Cong. Yedda Marie Romualdez at tanggapan ni Speaker Martin na handang dumamay sa bawat pamilyang Pilipino. —-sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author