dzme1530.ph

Bulkang Mayon, walang naitalang pagyanig sa nakalipas na 24 oras

Walang naitalang pagyanig sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 na oras.

Subalit, ibinabala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na maaari pa ring magkaroon ng tahimik na pagsabog ang bulkan anumang oras.

Ito’y dahil patuloy pa rin ang mayon sa paglalabas ng lava at pagbubuga ng abo.

Base sa datos ng ahensya, kaninang alas-5:00 ng umaga, aabot sa 889 tons ng sulfur dioxide o asupre at 265 rockfall events ang naitala.

Sinabi ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol na ang state of unrest ng Bulkang Mayon ay maihahalintulad noong 2014 na nagkaroon ng tahimik na pagsabog, subalit, posible aniya na ito’y magbago anumang oras.

Samantala, pumalo na sa halos 39,000 katao ang naaoketuhan ng naturang aktibidad ng bulkan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author