dzme1530.ph

MMFF entries para sa 49th Film Festival, nasa 26 na!

Hawak na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kabuuang 26 na entries mula sa production companies para sa kanilang ika-49 na festival.

Inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chairman Don Artes na napagkasunduan ng selection committee na ang pipiliing top 4 script ay dapat pasok sa sumusunod na pamantayan: 40% artistic excellence; 40% commercial appeal; 10% Filipino cultural sensibility at 10% para sa global appeal.

Itinakda ang deadline ng pagsusumite ng pelikula sa Setyembre a-29.

Patuloy naman ang panawagan ng pamunuan sa mga film makers na magpasa pa ng kanilang entry at makiisa sa naturang event habang matagal pa naman ang cut-off sa passing of entries.

Gayundin, hinimok ni Artes ang publiko na suportahan ang pagdiriwang dahil malaking bahagi aniya ito ng Christmas tradition ng pamilyang Pilipino. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author