Pumalo na sa 37 ang bilang ng mga nasawi habang anim na iba pa ang hawak ng mga terorista sa naganap na malawakang pag atake sa isang paaralan sa Western Uganda.
Kinumpirma ng mga otoridad na ang mga miyembro ng Allied Democratic Forces (ADF), isang Ugandan group na nakabase sa Eastern Congo, ang nasa likod ng terrorist attack sa Lhubirira Secondary School sa Mpondwe.
Sa initial report, sinunog ng grupo ang naturang paaralan at nagnakaw pa ito ng mga pagkain sa mga dormitoryo.
Natukoy din ng Ugandan police na mayorya ng mga namatay sa insidente ay mga estudyante.
Gayunman, kasalukuyan nang pinaghahanap ngayon ng pulisya ang mga suspek sa karumal-dumal na pag-atake. —sa panulat ni Jam Tarrayo