dzme1530.ph

Bakuna kontra ASF, pinatitiyak na epektibo!

Pinasisiguro ni AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones sa pamahalaan na magiging epektibo ang pagtuturok ng African swine fever (ASF) vaccine sa mga baboy.

Ayon kay Briones, batay sa impormasyong kaniyang natanggap, tinesting lang ang bakuna sa mga baboy at hindi pa lubusang tiyak ang bisa nito.

Kulang din aniya ang isinagawang field trial para sa naturang bakuna.

Samantala, inihayag ng Bureau of Animal Industry (BAI) na 100% ng matagumpay ang ginawang field trial, sa anim na babuyan sa Luzon. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author