dzme1530.ph

DILG, nagpadala ng 60 solar-powered at portable water filtration para sa Albayanos

Inihatid na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 60 solar-powered and portable water filtration sa mga apektado ng patulyo na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos Jr., alinsunod sa mandato ni Pangulong Bongbong Marcos at pakikipagtulungan ni MMDA Chairman Don Artes, ay nakapagpaabot ng tulong ang ahensya sa mga kababayang apektado ng pag-aalburoto ng naturang bulkan.

Ang moderno at germicidal-ultraviolet technology na ito ay may kakayahang maglinis ng tubig mula sa mga balon, ilog at sapa upang gumawa ng ligtas na inuming tubig at may kakayahan aniya itong maglinis ng 180 gallon ng tubig kada oras, malaking tulong para sa mga apektadong komunidad.

Dagdag pa ng kalihim, makatutulong ito sa mga pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center upang matugunan ang kanilang tubig inumin para sa kanilang kalusugan at hygiene. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author