Maglulunsad ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng livelihood project na magkakahalaga ng P80-M, para sa mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).
Sa news release ng Presidential Communications Office (PCO), nakasaad na ang proyekto ay tatawaging “Livelihood Activities to Enhance Fisheries Yield and Economic Gains” o “LAYAG West Philippine Sea”.
Magiging benepisyaryo nito ang mga mangingisda sa Ilocos Region, Central Luzon, at MIMAROPA na pumapalaot sa WPS.
Samantala, ibinahagi rin ni BFAR Chief Information Officer Nazario Briguera na naghatid sila ng P5-M halaga ng suportang pangkabuhayan sa Pag-Asa island, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong June 12.
Kabilang sa mga ipinamigay ay ang 30-foot fiberglass boats, blast freezers, at fishing paraphernalia.
Matatandaang ang mga mangingisda sa WPS ay madalas na nagiging biktima ng mga panghaharas ng Chinese vessels. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News