dzme1530.ph

PBBM, inatasan ang DA na pag-aralan ang mungkahing pagtatayo ng mga imbakan para sa 30-day buffer stock ng bigas at mais

Inutusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na pag-aralan ang mungkahing pagtatayo ng silos o mga imbakan, upang matiyak ang 30-day buffer stock ng bigas at mais sa bansa.

Sa meeting sa Malakanyang kasama ang Private Sector Advisory Council on Agriculture (PSAC), inatasan ng Pangulo na tumatayo ring DA Sec. sina DA Undersecretary Drusila Bayate at National Food Authority Administrator Roderico Bioco, na tingnan ang feasibility kaugnay ng rice and corn station modules gamit ang “mother-daughter” o “hub and spoke system”.

Sinabi naman ng PSAC agriculture group na ang nasabing system ay ginagamit ng mga bansang China, America, at India.

Kaugnay dito, ini-rekomenda ng PSAC ang pagtatayo ng nationwide mother-daughter stations para sa bigas at mais, at maaari umano itong isakatuparan sa pamamagitan ng public-private partnership na tinatayang magkakahalaga ng kabuuang P170-B.

Ito ay magiging alinsunod na rin umano sa food security infrastructure modernization plan ng administrasyon. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author