dzme1530.ph

DepEd, nilinaw na wala pang guidelines na inilalabas kaugnay ng laruang lato-lato

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na wala pang inilalabas na guidelines ang ahensya hinggil sa pagbabawal ng laruang lato-lato sa mga paaralan.

Sa gitna ito ng pagkabahala na may hindi magandang dulot ang laruan sa kalusugan ng mga bata o ng gumagamit nito.

Nabatid na naglabas ng abiso ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa posibleng health risks ng ilang klase ng lato-lato, partikular sa mga hindi sumailalim sa quality and safety evaluation. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author