dzme1530.ph

Roll out ng COVID-19 bivalent vaccine, sisimulan na sa June 21

Sisimulan na ng pamahalaan ang pamahahagi ng COVID-19 bivalent vaccine sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Health (DOH), ilulunsad ang bakuna sa seremonya na gaganapin sa Philippine Heart Center sa Quezon City sa Hunyo a-21, na dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaang natanggap ng Pilipinas ang 390,000 doses ng adapted version ng orihinal na bakuna mula sa bansang Lithuania.

Kabilang sa mabibigyan ng first phase ng bivalent vaccine ang healthcare workers at senior citizens, na nakatanggap na ng second booster shot makalipas ang apat hanggang anim na buwan. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author