dzme1530.ph

DepEd, target mamahagi ng e-learning carts sa 5k paaralan ngayong taon

Target ng Department of Education (DepEd) na mamahagi ng e-learning carts sa humigit-kumulang 5,000 mga paaralan sa bansa ngayong taon.

Ayon kay DepEd Undersecretary at Spokesman Michael Poa, ang e-learning carts, ay parang “rolling library na may mga laptop” na madaling maililipat mula sa isang classroom patungo sa isa pa.

Layon anilang mapalakas ang pagsisikap na makasabay sa modernong sistema sa pagtituro gamit ang teknolohiya sa edukasyon.

Wala umanong kakayahan na makapagbigay ng gadget ang DepEd sa milyun-milyong mag-aaral at libu-libong guro pero sisikapin nitong makahahanap sila ng alternatibong mga solusyon. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author