Nabawasan ng P1.73 per kilowatt-hour ang average na presyo ng kuryente sa spot market sa unang dalawang linggo ng Hunyo.
Ayon sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP), bunsod ito ng available na karagdagang kuryente sa Luzon Power Grid.
Sinabi ng IEMOP na bumaba sa P7.10 per kwh ang average electricity spot market price, dahil sa iba’t ibang kadahilanan, gaya ng bumabang demand at tumaas na supply.
Ang spot market ay kung saan maaring bumili ang energy companies ng kuryente kapag napatunayang hindi sapat para sa kanilang pangangailangan ang kanilang long-term contracted power deals. —sa panulat ni Lea Soriano