dzme1530.ph

Singapore, magdadagdag ng patrol robots sa mga kalsada

Magde-deploy ng karagdagang patrol robots ang Singapore sa buong siyudad matapos ang mahigit limang taong small-scale trials.

Ayon sa Singapore Police Force (SPF), inaasahan ang higit pang mga deployment ng patrol robots sa lungsod na may 5.6-M katao.

Bagamat may maliit na populasyon ang naturang lugar, mababa naman anila ang birth rate dito kung kaya’t mas kailangang gumamit ng teknolohiya upang matugunan ang kakulangan sa manpower.

Mayroong 360-degree camera, sensor, speaker, display panel, blinker, sirena at two-way channel ang patrol robots kung saan may kakayahan itong magsalita at makipag-usap sa tao.

Ang naturang robot ay ang pinakabagong karagdagan sa technological arsenal ng SPF, na may kakayahang magpatrolya at magbigay ng enhanced situational picture sa pulisya para sa mas malinaw at patas na desisyon sakaling magkaroon ng aberya sa lugar. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author