Bumulusok sa 11.1% ang COVID-19 positivity rate sa Pilipinas kahapon, June 15, ayon sa pinakahuling datos ng OCTA Research Group.
Sa ibinahaging report ni OCTA Research Fellow Guido David, bahagya itong bumaba mula sa 11.9% positivity rate noong nakaraang araw, June 14.
Nabatid na nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 528 na bagong kaso ng virus, kung saan 111 dito ay mula sa Metro Manila, mas mataas kumpara sa nakaraang record na 418 cases.
Dahil dito, pumalo na sa kabuuang 9,783 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa habang umakyat naman sa 4,157,172 ang nationwide caseload.
Tumaas din ang recovery tally sa 4,080,908 habang nanatili ang death toll sa 66,481.
Projection ng OCTA, posibleng umabot sa 550 hanggang 650 COVID-19 cases ang madagdag sa country’s tally ngayong araw. —sa panulat ni Jam Tarrayo