Ang patis o fish sauce ay mula sa binurong isda gamit ang asin.
Ito rin ay kilalang condiment na nagbibigay lasa sa mga putahe.
Alam niyo ba na ang patis ay mayaman sa vitamin b1, b2 at b12. Taglay ng 100ml ng patis ang 5 micrograms ng vitamin b12 o cobalamin na mahalaga sa pagpapanatili ng maayos na nervous system at pagsuporta sa proseso ng pagpaparami ng cells.
Importante rin ang mga nabanggit na bitamina para sa mga buntis, na katuwang para sa maayos na panganganak at mapigilan ang child defects.
Subalit, payo ng mga eksperto pakonti-konti lang ang paggamit ng patis dahil ito ay maalat na puwedeng magpalala ng altapresyon at manas sa paa. —sa panulat ni Airiam Sancho