Humiling ang Federation of Free Farmers (FFF) sa Marcos administration na muling buhayin ang Pre-Shipment at Discharge Port Inspection Systems.
Inapela ito ng grupo upang matuldukan na ang malawakang agricultural smuggling at price manipulation sa mga inaangkat na pagkain sa bansa.
Ayon kay FFF Chair Leonardo Montemayor, makakatulong ang pre-shipment inspection para matapos na ang undervaluation at misdeclaration ng agricultural imports na nagreresulta sa bilyong halagang pagkalugi sa nakokolekta ng customs kada taon.
Isinusulong rin ng FFF ang pagsasabatas ng isang executive order na may layong bumuo ng isang Inspectorate and Enforcement Service at tugisin ang mga lalabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at Food Safety Act of 2013. —sa panulat ni Jam Tarrayo