dzme1530.ph

Mga lumikas na residente dahil sa pag-aalboroto ng bulkang Mayon, umabot na sa halos 18k

Umakyat na sa 17,941 individuals ang lumikas sa Bicol region sa gitna ng patuloy na pag-aalboroto ng bulkang Mayon sa Albay, batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa latest situational report ng NDRRMC, kabuuang 17,216 individuals o 4,813 families ang nananatili sa 25 evacuation centers habang 725 individuals o 200 families ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers.

Lumobo na rin sa 37,682 individuals o 9,167 families mula sa 26 na barangay sa Albay ang naapektuhan ng pag-aalboroto ng Mayon volcano na kasalukuyang nasa ilalim ng alert level 3.

Hanggang kaninang umaga ay nakapagtala ang PHIVOLCS ng dalawang volcanic quakes, 306 rock fall events, at tatlong pyroclastic density current events sa bulkang Mayon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author