dzme1530.ph

Balasahan, ipinatupad sa Manila Police District

Nagpatupad ng balasahan ang Manila Police District (MPD) base sa utos ni MPD Director Police Brigadier General Andre Dizon.

Base sa ulat ni PMaj. Philipp Ines ng MPD-Public Information Office (PIO), nagtalaga si Dizon ng limang bagong station commanders at dalawa naman sa MPD Headquarters.

Ang mga ito ay itatalaga sa MPD Station-1,2,3,5 at 7 kabilang ang Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD) at District Mobile Force Battalion (DMFB).

Layunin ni Dizon na pairalin pa ng mga itinalagang opisyal na palakasin at ipatupad ng maayos ang “peace and order”, pagiging disiplinado at propesyonal sa lahat ng hanay ng MPD.

Dagdag pa ng MPD director, ang mga bagong talaga sa kanya-kanyang assignment ay inatasan niya na paigtingin pa ang seguridad gayundin ang kampanya laban sa krimen at droga.

Nais rin ni Dizon na palakasin pa ang “police visibility” at ang kalidad ng kanilang serbisyo sa mamamayan at kalapit-lungsod.

Pinaalalahanan din ni Dizon ang mga ito na tiyakin ang wastong paggamit ng pondo sa bawat istasyon at Police Community Precincts (PCPs) at palawigin ang ugnayan sa mga barangay at komunidad. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author