Kayang ilikas ng mga lokal na pamahalaan sa Albay ang hanggang 40,000 indibidwal sa loob ng dalawang araw, sakaling itaas sa level 4 ang alerto ng bulkang Mayon, sa gitna nang patuloy na pag-a-alboroto nito, ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos.
Sinabi ng kalihim na naghahanda na ang mga apektadong local government units para sa “extreme scenario” kahit nananatiling nasa alert level 3 ang mayon bunsod ng magmatic unrest.
Umabot na sa 15,502 individuals o 4,417 familes ang pansamantalang nananatili sa 22 evacuation centers habang 659 individuals o 185 families ang nanunuluyan sa labas ng evacuation centers, batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Kabuuang 37,231 individuals o 9,571 families naman mula sa 26 na barangay sa Bicol region ang apektado ng pag-a-alboroto ng Mayon volcano. —sa panulat ni Lea Soriano