Ang lato-lato o kilala rin sa tawag na clackers at knockers ay isang uri ng laruan na nagmula sa united states noong 1960s.
Ito ay dalawang bola na nakakonekta sa isang tali o lubid na kapag pinag-umpog ay lumilikha ng malakas na tunog o lagatok.
Dahil muli itong nauuso ngayon, maraming mga bata, kabataan, maging ang mga matatanda ang nahuhumaling sa laruang lato-lato, dahil umano sa strategic game nito.
Subalit, nagpaalala ang mga eksperto na may masamang dulot ang paglalaro ng clacker dahil posibleng magkaroon ng mga pasa at pamamaga sa bahagi ng kamay at braso bunsod ng paghampas ng matigas na mga bola.
Anila, maaari rin itong maging weapon o sandata upang makapanakit sa iba.
Para naman malusunasan ang pamamaga at at pasa na dulot ng lato-lato, ipinapayo ng mga eksperto na mag-cold compress sa loob ng 15 hanggang 20 minuto, tatlong beses sa isang araw. —sa panulat ni Airiam Sancho