Umabot sa mahigit 6,000 Rainwater Collector System (RWCS) ang naipatayo na ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Iniulat ni DPWH Sec. Manny Bonoan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naipatayong karagdagang 6,002 RWCS mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2023.
Kaugnay dito, umabot na sa kabuuang 23,201 ang RWCS sa buong bansa.
Samantala, nagbigay din ng update ang DPWH kaugnay ng Metro Manila Flood Management Program, pasig-Marikina River Channel Improvement Project, Leyte Tide Embankment Project, Flood Risk Management Project Sa Cagayan De Oro River, Central Luzon-Pampanga River Floodway Flood Control Project, Davao City Flood Control and Drainage Project, at iba pa.
Matatandaang binaha ang maraming lugar kabilang na ang ilang siyudad sa NCR nitong mga nakaraang araw dahil sa matinding buhos ng ulan kasabay ng pagsisimula ng rainy season. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News